EXODIANS

Netizens of The Word

Archive for April 18th, 2009

Father blogspot: Para kay payatot, ang AMA!

Posted by exodians on April 18, 2009

Sa puso ng isang AMA
by payatot

Reposted upang maging: Aral para sa mga sems, pari, obispo at cardinal na may balak pasukin ang BUHAY MAY ASAWA at MAG-KAROON ng ANAK upang maramdaman kung ano ang feeling kung tawaging…FATHER/PAPA/AMA/ DAD/ TATAY/ TATANG sa tunay na anak. ..hindi anak-anakan sa mga silingan or anak-anakan sa pagtuo…Amahan sa ordinaryong mga tawo…

Para sa iyo, Ama at sa anak WELCOME TO THE CLOUD

Amahan ug ang anak

Amahan ug ang anak: Brad! "Hindi ka nag-iisa!" NEVER EVER GIVE UP! Screen shot courtesy: payatot blog

JUST AN ASSURANCE THAT YOU ARE NOT ALONE!

ang tagal na pala ng huli kong post, di ko rin namamalayan pero halos 2 linggo na pala yon..di ko naman sinadya yon na di ako magkaroon ng entry kaya lang parang di ko pa rin kaya minsan..punong-puno ako ng pakikibaka nitong mga nagdaang 2 linggo, kakapagod, stress at minsan gusto ko na rin sumuko..

sa loob ng 2 taon na wala sa tabi namin mag ama ang ilaw namin dito, maraming nangyari na minsan ay di ko maikwento sa inyo lalo na sa asawa ko..malimit solo lang ako sa lahat ng pakikibaka sa buhay kasama ang anak ko..ayokong i-kwento sa kanya dahil alam ko na mag-aalala lang sya doon sa malayo..isa pa e napakahirap din naman ng may iniisip lalo na nga kung malayo ka di ba kaya napipilitan akong solohin lahat ng anumang problema dito na dumarating sa akin..

andyan yung magkasakit ang anak ko na ako lang lahat ang mag aasikaso sempre dahil 2 lang naman kami dito..katabi ko naman ang byenan ko pero mahirap naman iasa ko pa sa kanila yon..di ko alam na nauubos na pala ang gamot na ipapainom ko kaya ang gagawin ko, iiwan ko muna sya saglit ng walang kasama sa bahay sa dis oras ng gabi o hatinggabi na..sakay ako ng dyip pero wala sa dyip ang utak, andun sa bata na iniisip ko kung ano na lagay kase nga wala syang kasama…

Read the rest of the entry

Enjoy!

Advertisements

Posted in culture, eLetters, exodians | 2 Comments »