EXODIANS

Netizens of The Word

Archive for July 2nd, 2009

Dear Brother Utoy, pahiram until babawiin mo

Posted by darbs on July 2, 2009

Note: No idea bat napagtripan ang entry ni Brother Utoy entitled,

Barubal na nga ba si Utoy?

Brother Utoy's Salvation History

Brother Utoy's Salvation History

Posted on February 3, 2009 by brotherutoy

Uninspired si Utoy today.  May krisis kasi ako…

Last week lang eh sobrang excited akong magsulat tungkol sa mga Larawang Pang-Majorette Part II pero dahil bisi-bisihan nga ang Kuya Utoy ninyo eh naudlot.  Pero ngayong kadarating ko lang galing bakasyon (na naman?!) sa Lisieux eh parang nawala lahat nang enthusiasm ko.  Ayoko nang gawin.

Don’t get me wrong:  di pa ako sawa sa blogging.  It’s just that napakabastos ng susunod kong “Larawang Pang-Majorette.”  May iilang tao na ang nagsabi sa akin (mga eleven na sila) na maging maingat ako sa mga ginagamit kong salita sa Web.  Napansin nila na medyo barubal na ang mga nilalaman ng blog ni Bro.Utoy.  To their words, nagiging “unbecoming of a seminarian” na ang gwapong blogger na ito.   Matapos kong mahanap sa online dictionary ang meaning ng “unbecoming” eh napaisip talaga ako at nalungkot.  Oo nga, nagiging bastos na ang blog ko.  Kung kelan more than five na ang mga readers ko eh lalo akong naging reckless sa paggamit ng salita.  Masyado ko nang pinaninindigan ang taytol ng aking blog at nagiging out of line or off-colored na ang mga jokes ko.  Baka nga ang image ko na ngayon eh gwapo pero balasubas na seminarista na lang.  But really, there’s more to Utoy than that…

Hanggang saan nga ba ang dapat kong limit as a seminarian-blogger?  Kung dadalawin ko ang mga kapwa ko seminarian-blogger eh naku, ang blog nila, may “halo” ng angel, pakpak na puti, mga ulap-ulap at lira na may tatlong kwerdas.  Samantalang ang sa akin eh parang on-line diary ni Hudas.  Ang mga topic nila ay tungkol sa Sunday homilies, mga missions at apostolate, mga cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, itoitoito at ito at marami pang iba), mga ratings (ito at ito ang examples nun).  Nagpopost ang mga seminarian-bloggers ng mga holy pictures at mga songs ng Jesuits.  Sa kabilang banda, larawang pang-Majorette ang nakabalandra sa post ni Utoy.  Nagko-quote ang mga seminarian-bloggers sa Bible, sa CCC, sa Canon Law at sa Jerome Biblical Commentary.  Si Ai-Ai delas Alas ang aking source of quotes.  Madalas na usal ng kanilang labi eh “for the greater glory of God,” “Please pray the rosary” at “Totus Tuus” samantalang ako, ang bukang-bibig eh ”Nyemas naman o.”

Some finds it cool when a seminarian writes without rein on just about anything under the sun, including sex, gluttony and decadence.  Some others finds it downright offending and irresponsible.  Naguguluhan tuloy ako.  Gusto ko sanang makuha ang consensus ninyo:  Dapat bang magbago na ng style of writing si Bro.Utoy?  Nababastusan na ba kayo sa kanya?  Seminarista pa rin ba siya sa tingin ninyo?  Anong mga topic ba dapat ang isulat ni Bro.Utoy at anong topics naman ang off-limits?

It really matters much to me kung masasagot ninyo ito ng maayos.

God bless!

* * * * *

I would like to thank lahat ng sumuporta kay Jhaynee, kay Gwapito at sa lahat ng na-feature kong bloggers.   Di ko alam kung may naitulong ba ako kasi wala akong feedbacks tungkol dito, but still, ang mahalaga eh nasuportahan natin sila.

May bago pala akong pakulo (na kopya ko lang talaga from Eli).  Pansinin ninyong may bagong page ang aking blog na pinamagatang:  “Hellish Links, Angelic Blogs.”  Ang bagong page na ito ay isang libreng advertisement kung saan, pwedeng mag-iwan kahit na sinong blogger ng link nila.  Ang requirement lang eh basta ba may maikli pero matinong describe-describe naman ng blog nila para ma-engganyo ang mga lilimang nagbabasa sa mga posts ko na mag-bloghop naman sa kanila.  This way, maibabalik ko ang utang na loob ko sa lahat ng mga senior bloggers na gumabay at sumuporta sa akin noong newbie pa ako.  Though technically, newbie pa talaga ako kasi sa end of March pa magwa-one year ang blog ko.

Ano pang nihihintay mo? mag-advertise na!

” ” ” ” “

At syempre, ang ating Stainglass window of the day ay ito!

img_4198

Ito ay kuha ko sa Cathedral Saint-Pierre, sa Rue Henri Chéron, Lisieux sa may bandang Normandy.  sobrang dilim sa simbahan tapos lowbat na ako so di masyadong maganda ang quality ng picture.  Sikat ang simbahang ito sapagkat dito nagsisimba at magkukumpisal si St. Thérèse.  Makikita rin dito ang altar na donated ng ama niyang si Louis Martin at ang luhuran kung saan natanggap ni St. Thérèse ang misyon niyang ipanalangin ang lahat ng pari at misyonero sa mundo.

Ang totoo nyan eh napakaraming magagandang stainglass akong nakita sa loob ng simbahang ito.   Medyo mas nakatawag lang ng pansin sa akin ang bintanang ito dahil orig na orig:  ang larawan ni Apostol San Pedro ay tila nakalutang sa kawalan.  Wala ang ma-eklat na Rococo at Baroque flourishings sa tabi-tabi at sa halip ay mga klarong bubog halos nagdodominate sa scene.  Ang bintanang ito ay likha ng Ataliers Gaudins, ang pinakasikat na stainglass workshop sa Normandy sa ngayon.

God bless!

Advertisements

Posted in eLetters | 12 Comments »