EXODIANS

Netizens of The Word

BUHAY SEMINARISTA

Posted by exodians on September 18, 2009

Anchorman: Darbs "Face of the faceless"

Anchorman: Darbs "Face of the faceless" side view nga lang.

Introduction: Mahal naming tagasubaybay sa exodyans website, ako po si Darbs ang anchorman sa blog ng exodyans.

Ang blog entry na ipaskil natin dito ay galing kay Fr. Fielmar, SVD of Felmar’s Missionary Journey.

Napili po natin ang entry na ito dahil kung sa pagkain pa,  tulo laway po ang inyong lingkod habang binabasa ang blog entry ni Father Fel.

Normal po kasi na reaksyon yan sa isang pangarap na pinapangarap na lamang na kailan man ay di na po matutupad. [deleted – extra ad lib: reason – priest in the house – delikadesa]

Of course, alam po natin HOW TO SERVE sa panginoon/mother iglesya romano church/ kahit hindi tayo pari o obispo o santo papa.

You don’t have to remind me about service to fellow men… kung sa expression pa sa aking anak about reminder – ganito ang sagot;

“I KNOW THAT DAD! PLEASE STOP REMINDING ME… I KNOW THAT!”

( Sa isip ko lang, kung sa pinas ka pa doy, sa akong kagahapon, Martial Law Era, dugo na unta nang imong baba… pangag ka na unta karon… labod ra nimo ang walay dila…bali-balian nako nang imong bukog…)

Take out the American Law in the picture: My goodness how could anybody even think “those things” with  your own flesh and blood… God forgive them for they don’t know the result of their madness.

Preisthood: May kanya kanyang pangarap po kasi tayo sa buhay na nakapaskil na sa ating coconut shell mula pa sa ating pagkamulat.

Isa na dito in my case ang maging pari -alagad ng por dios por santo – santimaan santa krus – HESUS KONG MALOLOYON (sorry, can’t help it…)

In other words, A CLERIC – mula pagkabata ang ambisyon ay maging isang sundalo ni Iglesya Mother Romano Katolika. “I KNOW THAT!”

Of course, kung akala nyu madali, nup, it is not easy, dahil ang reason ay ito; “HELLO . . . many are called, but few are chosen…by whom?”

Kung i-basi natin ang sagot sa tradisyon ng ating pananampalataya WE ALL know the OFFICIAL answer.

Pero pag mahilig ka sa haka-haka, then there is another side of the story.

But that is not what this entry is all about, THIS ENTRY IS ALL ABOUT Fr. Fel’s “Buhay Seminarista.”

fr-fel

Fr. Fel, SVD

Binigyan po ako ng pahintulot ni Father Fielmar, SVD na ipaskil ang kanyang post “Buhay Seminarista” walang labis walang kulang.

Closed po ang comment dito kaya kung gusto nyung mag say hi kay Father Fiel, SVD, punta na lang kayo doon sa kanyang BASILIKA.

Buhay Seminarista by Fr. Feil SVD
September 17, 2009

SVD sems - photo

Since nagpasilip na ako sa buhay pari, back track tayo ng konti. Gusto ko ring ipasilip sa inyo ang mundo ng seminarista. Akala kasi ng marami na saksakan sila ng bait, laging nagdarasal, laging tahimik, seryoso, di makabasag-pinggan. Naku, mali po kayo! Ang mga seminarista po ay nakatira sa isang masaya, magulo, maingay at makulay na mundo.

1. GOD ORDAINS, GOD SUSTAINS. Di ko talaga pinangarap na magpari. Martyr kasi ang tingin ko sa isang magpapari – imagine, 10 years of seminary formation (7 years for professionals)! Yes, ten years! Yan ang sabi sa akin ng isang diocesan seminarian. Ngunit irresistible lang talaga ang calling ni Lord. Nang mapunta ako sa SVD (Society of the Divine Word), aba, 11 years pala ang formation namin. Si Lord nga naman, mapagbiro.

2. LAST MAN STANDING. When we started as young seminarians in Davao, kami ay 21 lahat. Year after year may lumalabas. After 7 years, ako na lang ang natira. Well, nagkaroon pa rin ako ng ibang classmates pero di na sila original na mga batchmates ko.

3. JOURNEY WITH EMERENCIANA. Katekista ako noon sa Holy Family Parish sa may Kamias, QC. Nakilala ko si Emerenciana, 8 years old. Di naman siya sintu-sinto pero sabihin na nating bordering na doon. My companion catechist scheduled her for baptism after knowing from her mother na di pa pala nabinyagan ang bata. During the pouring of the holy water, kumaripas ng takbo! OMG! There was a riot inside the Church! Habulan to the max at parang tuwang-tuwa pa si Emerenciana na pinaghahabol namin. Hay, asan na kaya siya ngayon?

4. WALKING DISTANCE. When I was in Kalinga Province, sabi sa akin ng parish priest na i-assign daw niya ako sa pinakamalayong chapel ng parokya. Di daw ako dapat magworry sapagkat walking distance lang naman. Totoo nga naman. We started walking Sunday, 2:30 pm. Dumating ako sa chapel, 6 pm the following day. Walking distance nga lang…

5. AMASONA. I love catechists! They are unpredictable! Sa Kalinga Province ulit…while trekking the Cordillera Mountains, nauhaw ako. Ikaw ba naman maglakad (walking distance) sa napakatarik na mga bundok, uuhawin kang talaga. Sabi ko sa kasama kong lady katekista, “danum, danum” (meaning water). Biglang bumilis ang lakad ng katekista hanggang sa nawala siya sa aking paningin. We were in the middle of the forest kaya kinabahan ako sapagkat di ko na siya nakita. Lo and behold, noong tumingin ako sa itaas ng niyog, andoon ang katekista! Kumuha ng fresh buco for me..How touching, how goldilocks!

6. HELP! HELP! Sa Kalinga Province ulit…habang naliligo ako sa ilog, nagustuhan pala ng kasama kong paring Bisaya na pumunta sa pinaliguan ko. To his horror, inanod siya ng tubig sa deepest part of the river. Kaya sigaw siya ng sigaw, “help! help!” Sabi ko naman, “joke! Joke! Joke!” kasi nga naman nag-e-english siya! Kaya tawa lang ako ng tawa kahit nakita ko na na parang nakainom na siya ng tubig. Then, he shouted in Bisaya, “tabang! Tabang!” (bisayan word for help, help) ayon nilangoy ko na. And di pa natapos diyan. To his desperation na may mahawakan, ulo ko ba naman ang kinapitan! Kaya lumubog tuloy ako! We had a good laugh after that.

7. PIT SEŇOR. For three years naging Sinulog dancer ako. Hindi sa Cebu, kundi sa seminaryo. Twice sa QC and yong panghuli ay sa Tagaytay. Unforgettable ung sa Tagaytay. Ako na kasi ang tagahawak sa Sto. Niño. Sa kalagitnaan ng prusisyon, ang isa kong classmate ay nagrequest na siya naman ang hahawak sa Baby Jesus. Hindi ko nasabi sa kanya na ang wooden base na tinungtungan ng image ng Sto. Niño ay medyo maluwag na. Kaya ayun, disaster! Noong isinayaw niya, natanggal ang Sto. Niño sa wooden base, muntik ng mabali ang paa at matanggal ang ulo.

8. LIGHT MOMENT WITH FR. ORBOS. College seminarian ako sa Christ the king, QC. One day, the sacristan mayor hastily asked me to be the commentator for the birthday thanksgiving mass of Fr. Jerry Orbos, SVD. Dahil siguro sa sobrang excitement ko ay aking nasabi sa umpisa ng misa, “Our mass presider is Fr. Oscar Orbos, SVD!”….Nakangiting aso ung mga tao, pigil! Parang gustong tumawa. I was really clueless, I turned my back and do some “zipper check.” Closed naman… When Fr. Orbos was already in the altar, he smiled and said, “The commentator introduced me as Fr. Oscar Orbos. Brothers and sisters, I am not the one who ran for vice-president.” Hiyang-hiya ang baby seminarian that time!

9. IN THE HEART OF MINDORO. One time when I was in Mindoro, I asked a Mangyan (a native of Mindoro), to accompany me to the Mangyan community sa isang malayong bundok. She told me what to expect pagdating namin doon. Hindi daw sanay makakita ang mga tao doon ng Tagalogs (general term for Non-Mangyans like Bisaya, Tagalog, ilokano). Totoo nga naman, pagdating ko sa community, nagtakbuhan ang mga Mangyan at nagtago sa likod ng mga saging. Kinausap sila ng babaeng Mangyan na kasama ko kaya lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Then, ang kanilang elder ay biglang sumigaw: “B-14, I-24.” Di ko naintindihan. Doon ko lang na-gets noong may sumagot ng “BINGO!” Hahaha. Akala daw kasi nila pulis ako na taga-implement ng no-gambling policy. Kaya natakot.

pb040039

0. HOLY BLOOPER. It was in 2006-2007 when I became a part of the ABS-CBN’s “The Healing Eucharist” (Sunday, 6 pm). Marami akong magagandang memories sa show na yon. One time, during the Prayers of the Faithful, we were already asking the offerers to line up. One lady caught my sight. Her basket of fruits was very heavy and she seemed to be having difficulty carrying it. “Dahan-dahan lang po,” I told her. In a very solemn procession, she religiously carried the basket and extended her hand to give it to the Mass Presider. Then all of a sudden, the apples fell and nagpagulong-gulong sa red carpet. Buti na lang di nakunan ng camera.

Sorry, the comment form is closed at this time.

 
%d bloggers like this: