EXODIANS

Netizens of The Word

Not so fast altruismong “health care bill, what about the senate?

Posted by darbs on November 9, 2009

efren-pflorida

Harbat: Mr.Nonsense

Mula sa simbahang egg-lesya Romano Katolika na pinamunuan ni Fafa, na aking sinisimbahan upang ma-kiki-misa dahil kailangan ko ring magpakitang tao na kuno relihiyoso sa mata ni Totoy na nangungulit at nangungunsensya, kaya sapilitang maki-attend na nga, ako ay napadaan sa may sari-sari store ni Himas Okad Nito, at ito ang aking nakita.

New York Times: Headline of the day
Sa larawang  ipinakita sa pahayagang “New York Times” na nandoon si Bambam sa “talikuran ninka” na para bang kumakaway at nagsasabing, “Not so fast, bro! We have to follow the democratic  process…”,  doon ko naalalang hindi pa pala tapos ang labanan upang maisabatas ang isang bill, dito ko naalalang dadaan pa pala sa senate ang bill.

New York Times: Headline

Isang sulyap pa: "Not so fast!"

Pag-dedebatehan na naman pala ito sa Upper House. Nakalusot nga ang bill sa lower house pero kailangan pa palang dadaan ito sa upper house bago makakapunta sa harapan ni Bambam upang mapirmahan na at maisabatas. According pa naman sa balita na may mga Senador na nagpahayag na mag-felibuster daw sila especially si Senador Joe Liberman, the gentleman from Connetecut. Yaiks!

Ma-kiki-lesson na rin tayo gaya gaya kay Maam Lee, “wag bilangin ang sisiw hanggang di pa napupusa ang itlog baka ika nga may bugok…”

10 Responses to “Not so fast altruismong “health care bill, what about the senate?”

  1. lee said

    base…

    flower base…

    toothbase… paste pala

    • darbs said

      Naalala ko tuloy ung awit tungkol sa base na yan.
      Ganito ang pagkagawa…

      Base militar,
      Armas na nukleyar,
      Itoy kahibangan
      Na dapat hadlangan
      Base militar…

      nakalimutan ko na ang next lyrics, matagal na kasing panahong inaawit ang ganitong klaseng awitin.

      Pero don’t worry ang importante Base Lee ka na nga.

  2. lee said

    ngek lol, hala diko makita ang video ng mga vidio-oke.
    so means, dipa pala tapos ang madugong balitaktakan? marami pa palang ilong at ulong paduduguin sa usaping yan?
    haaay!
    salamat sa mention, pero bakit my pusang naging itlog?

    • darbs said

      hala diko makita ang video

      In case di mo makita ang mga characters sa vidio-kehan. Here are the main characters.

      1. Si Babae – Rachel the anchorlady

      2. Sen. Joe Lieberman (Democrat/Independent) for Connecticut

      3. Sen. Evan Bayh (Democrat) for Indiana

  3. darbs said

    Sori sa maagang pagka-optimistic nitong altruismong health care reform.

    Sa vedio-kehan naman kung hindi mo makita. Ni-report ni Rachel Maddow na may dalawang senators sa Demokrat Partay na hihiwalay sa kanilang partido, at ma-kiki-sabay sa Partido ng mga Republikan na oppose sa health reform ni Bambam. Ang balita parang wala na ngang debatehan “filibuster” na kaagad.

    pusang naging itlog…

    ahahah! hai dai, alam mo na ito bisayang nagtatagalog tagalogan.

    pero tama ka. pusa is meeoow! (pusa in tagalog – pronounced as malumanay ba?)

    sa visayan naman kasi “pusa” (maragsa ang pronunciation) means nadurog or puedi ring gamiting nabiak.

    napupusa kasi is para bang nabibiak.

    So kung tatagalogins ulit, wag bilangin ang itlog kung hindi nabiak(napusa) ung itlog.

    Teka, paano ba ang tamang wordings nitong “adage” na ito?

    Anybody?

  4. darbs said

    Overhauling Health Care

    Here is the list of the house bill from the New York Times Headline’s List.

    The House Legislation Would:

      1. Require most Americans to obtain insurance or pay a penalty.
      2. Require most employers to provide coverage to workers or pay a penalty.
      3. Prohibit insurers from limiting coverage or charging higher premiums because of a person’s medical history or current illness.
      4. Create a national exchange where small employers and people who are not insured through work or public program can buy insurance.
      5. Offer a new government insurance plan in the exchange that would negotiate rates with doctores and hospitals.
      6. Expand Medicaid to all those with less than 150 percent of the poverty level.
      7. Impose a surtax on couples with adjusted gross incomes over $1 million a year and individuals over $500, 000.
      8. Trim Medicare payments to hospitals and many other health care providers.
  5. Reesie said

    Oo nga, nakita ko to noong sabado. 5 lang ang difference ng boto sa lower house. at idadaan pa ang bill sa senado. pero sabi namn nila, karamihan sa mga membro ng senado ay democrats so mataas talaga ang possibility na ma ipasa itong bill na itech.😀

    para sayo manoy darbsky, in favor ka ba sa bill na ito?

    • darbs said

      para sayo manoy darbsky, in favor ka ba sa bill na ito?

      Hindi ako pabor kung ang aking income ay $500,000 to a million a year dahil isa ako sa maapektuhan sa taxation and big government.

      Hindi ako pabor kung malulugi ang business ko sa palisiyang dikta mula sa gobyerno na kahit may pre-existing health condition I could not deny but sell my product. Hey, papaano kung pagkatapos bumili ng health insurance bukas magkasakit na kaagad? Di lugi negosyo ko.

      Kumbaga, alam mo nang reckless driver, maraming kasong drunk driving, nakasagasa at nakabangga, bebentahan mo pa rin ba ng insurance mo? Oo! dahil iyan ang palisiya… anak ng tinapa!

      On the other hand, pabor ako dahil tamang tama lang ang aking income to survive pero maligaya naman, alam mo na simple living lang… and I guess isa ako sa mga recipients ng public health insurance option (if ever qualified) na galing/financed mula sa bulsa ng mga milyonaryo, hey, why not…

      what do you think?

      Pero sa totoo? this is one hell of a complicated issue dahil kanya kanyang interest kasi ang nakasalalay sa bagay na ito. at health insurance is a big business. kung maapektuan ang business mo sa bill na ito of course makipagsabunutan ka talaga hanggang sa huling hininga.

      Tingnan mo ang isang probisyon ng bill.

      Trim Medicare payments to hospitals and many other health care providers.

      Papaano kung ikaw ang may-ari ng hospitals or you are running a hospice and/or nursing home na ang mga clients puro mga medicare recipients? wahhahahah! nasaan na ang profits na tinatamasa before sa bill reform?

      Ang problema kasi dahil may mga hindi maniniwalang ang truth ay depende sa perspektiba. Na ang tama sa iyo ay mali sa iba at ang mali sa iba ay tama naman sa iba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: